Friday, March 13, 2020


Paglakas Ng Republika 

Matapos sakupin ng Rome ang buong Italian Peninsula at Mediterranean, nilabanan nila ang mga naninirahan sa timog ng Italya na mga Griyego. Sa naganap na maikling labanan dito sa Heraclea nanalo si Haring Pyrrhus o tinatawag ding hari ng Epirus. Siya ay pinsan ni Alexander The Great. Si Haring Pyrrhus ay nanalo at tinawag o tinaguring "pyrrhic victory" ang kaniyang pagkapanalo. Ito ay naging dahilan sa sumunod na labanan sa Beneventum na nangyari noong 275 BCE kung saan sa wakas siya ay bumagsak ay natalo. Sa pagkatalo niya at pagwawagi, ang Roma ay tinawag ng Mistress Of Italy. 


Ang pinakamalaki at pinakamahalagang digmaan na kinasangkutan ng Roma ay ang Digmaang Punic nangyari noong 264-146 CE ito ay laban sa Carthage o Tunisia. Ang Punic naman ay nagmula sa salitang Latin na puni na ang kahulugan ay Phoenicia. Ang carthage ay naging dating kolonya ng phoenicia subalit malaya at makapangyarihang imperyong komersyal. May malakas na hukbong pandagat na kumontrol ng kalakalan sa Mediterranean. 

Noong naganap ang ang Unang Digmaang Punic (264-241 BCE) ang mga Roma ay nagkaroon ng pagkakataon na kontrolin ang Sicily. Kaya nagkaroon ng bunga na naghiganti ang Carthage na sakupin anmuli ang Roma ang Sardinia at Corsica. Ito ay naging dahilan na sundan pa ng Ikalwang Digmaang Punic (218-201 BCE) Pinamunuan ni Hannibal ang Carthage na sumalakay sa Roma gamit ang elepanteng tumawid mula Espanya hanggang France at Alps. Tuluyan nang nasakop ni Hannibal ang hilaga ng Italya sa loob lamang ng 15 na araw subalit hindi sila nakapasok sa loob ng Roma. 

Epekto ng Paglawak ng Kapangyarihan ng Republika 

Matapos tagumpayan ng Carthage ang pakikidigma ipinagpatuloy ng Roma ang pananakop patungo sa silangan noong 133 BCE, isinuko ng huling hari ng Pergamum ang Asia Minor nang walang naganap at nangyaring digmaan. Sa panahong nangyayari ito saklaw na ng imperyong Romano ang mga lupain mula Asia Minor hanggang Espanya. Patuloy na paglawak ng kanilang teritoryo ay nagbunga ng malaking suliranin sa lipunan. 

Ang malalaking bilang at numero ng mga kalalakihang iniwan ang kanilang sakahan at palayan ay hindi na nagkaroon ng pagkakkataong bumalik pang muli mula sa Digmaang Punic. Samantalang nasira sa pananakop ni Hannibal ang mga pamayanan at tahanan at hindi naitayong muli ng mga sundalo nakabalik ang kanilang mga nasirang mga hanapbuhay at kabuhayan. 

Ang mga malalaking lupain o latifundia ay ginamit na lang sa pagaalaga sa mga baka imbis at sa halip na tamnan ng mga palay at butil dahil sa malalaking kita mula rito. Ang mga mayayaman ay lalong yumaman at umangat dahil sa mga pagaari ng mga ito samantalang ang mga mahihirao ay lalong humirap. 


Lumaganap at tumaas ang kawalan ng hanapbuhay sa pangkat ng mga plebeian. Nagkaroon naman ang bagong antas ng tao na galing sa urban na tinatawag na proletariat. Ang mga alipin ay pinagtrabaho sa latifundia at naging malaking banta sa republika ang pagaagawan ng kapangyarihan ng mga patrician at plebeian. 

Julius Caesar

Si Gaius Julius Caesar na mas kilala sa kanyang nomen na gentilicium at cognomen na si Julius Caesar, ay isang Roman stateman at heneral ng militar na gumaganapng isang kritikal na papel sa mga kaganapan na humantong sa pagkamatay ng Roman Republic at ang pagtaas ng Imperyo ng Roma. Isa rim siyang istoryador at may-akda ng wikang Latin. 


Naging tanyag na sina Pompey, Crassus at Julius Caesar. Pawang magagaling sila lahat sa pakikipagdigma at pakikipaglaban. Bumuo sila ng alyansyang tatluhan at tinawag nila itong Unang Triumvirate. Silangan para kay Crassus, kanluran para kay Caesar at sentral at timog para kay Pompey. 

Nagtagumpay nasakop ni Pompey ang Armeni. Si Crassus naman nagawi sa Parthia ngunit siya ay napatay. Nagpatuloy naman ng pag-ani ng tagumpay si Caesar sa kabilang dako. 

Sa pagkamatay ni Caesar bumuo sila ng Ikalawang Triumvirate na nagsisilbing naging mabuting lider si Caesar at nagsilbi rin sa kaniyang pagkamatay. 

Paglakas Ng Republika  Matapos sakupin ng Rome ang buong Italian Peninsula at Mediterranean, nilabanan nila ang mga naninirahan sa ti...